Panalangin para |
Mula kina: Sis. Angelina Camingay , Sis. Ofelia Reyes at Sis. Beth Rabo |
Panginoong Hesukristo, itinatalaga namin ang aming mga sarili sa Mumunting Simbahang Pamayanan ang Stateland view subdivision. Sa ngalan ng Parokya ng San Vicente Ferrer Manggahan at bawat isa sa amin, lahat kaming naglilingkod bilang isang pamilya, ang iyong kamahalmahalang puso na puno ng pagmamahal para sa aming lahat.
Bilang tugon, kami na kinatawan mo nais namin ilaan ang aming mga sarili sa napili naming Simbahang Pamayanan upang magbigay ng pag-asa, pagmamahal sa aming kapwa para sa pagpapalalim ng aming pananampalataya, maturuan sila ng tama ng mga salita ng Diyos sa isip, sa salita, at sa gawa.

Turuan mo kami ng palagian mong makaisa sa pamamagitan ng iyong Espiritu Santo sa kaisipan, sa puso, sa lahat ng aming mga gawa.Tulungan mo kami upang higit naming magampanan ang aming misyon para sa pagpapalalim ng aming pananampalataya kasama ang mga taong kumakapit at nananalig at umaasa sayo.
Nais naming makiisa sa iyong mapanligtas na gawain sa mundo, upang ang kalooban ng iyong Ama ang masunod dito sa lupa para na sa langit.Panginoong Hesus, tulungan mo kaming mailayo ang kasalanan sa aming buhay.

Tulungan mo kami na patuloy magmahal, maglingkod sayo.Nawa ay mabuhay ka ng palagian sa aming mga puso, sa aming mga simbahang pamayanan at kami ay maging ganap na iyo lamang.
Kaisa ng kalinislinisang puso ng iyong ina na si Birheng Maria na aming magampanan ang aming pagtatalaga sa aming sarili, sa aming simbahang pamayanan, para higit sa kaluwalhatian ng iyong Ama sa kalangitan. Amen.